Tuesday, January 5, 2010

" Pahimakas "
by: e$$e
Pinipintuho kong kaibigan ay paalam,trabahong iniirog higit sa buhay,mutyang mahalaga sa kapusuan,kaluwalhatian sa aking paglisan.
Masaya sa inyo aking idudulot,sa lanta kong buhay na lubhang malungkot:maging mapang-asar man at labis na loko-loko,sa kasiyahan nyo ay akin ding handog.
Sa pagpapatawa at kalokohan,hatid ay kasiyahan at katuwaan,walang agam-agam kung mapagalitan,ng guwardiang sibil na nagbabantay.
Ang ngiti kong masaya kung kinakailangan,ay maisabog ng lubos sa mga kalungkutan,kalokohan ko'y ikalat at siyang ikinang,sa mata ng taong may ningning na kulay.
At sa kalungkutan ko inyong iparamdam,ang luha sa mga mata na may kasiyahan,ang init ng hininga mula sa kaibuturan,ng pusong mapagbigay, totoo at tunay.
Lumayo man ako kayo'y nasa isip,ikutin man ang mundo di mawawaglit.Pagkat mahal ko maging sa panaginip,Ay nananahan kayo dito sa aking dibdib.
Hayaang nyong dumaloy inyong mga luha,hayaang mamalagi sa mga magandang mukha.Hayaang diligin nalalantang halaman,hayaang inumin uhaw sa pangangailangan.
Inyong mga luha'y aking babaunin,ningning sa mata nyo tulad ay mga bituin.Ay kakaingatan ko't pagyayamanin,pagkat sa puso ko kayo'y laging iisipin.
Paalam kaibigan mga kainuman,Paalam Tac-ops mga kalokohan,Paalam mga palamuti ko sa buhay,paalam-paalam sa inyo kailanman.
Ako'y lalayo na tulirong-tuliro,isip ko'y nanduon puso ko'y nandito.Pagkat masakit sa pusong totoo,iwanang lahat kayong mga bolero.
Dito natutuhan at naramdaman,init ng pagmamahal ng isang kaibigan.Dito nagsimula mga karunungan,at nalampasan mga kabiguan.
Salamat kay uling, tamulmol at thine,salamat kay oishi, emma at zeus.
salamat kay toberts, bangbus sa lahat.
Ako'y magsisimula ng walang alam,tanging bitbit ko pangalan nyo lamang.Ako'y pupunta sa gireyang walang laban,tanging sandata ko lakas ng isipan.
Ako'y patutungo sa walang kalokohan,walang kagaguhan at seryoso sa buhay,paghahanap ng libanga'y di uubra,sa dami ng trabaho at walang hingahan.
Kung kalokohan ko'y limot na ng lahat,at wala ng astig na patayo-tayo't palakad-lakad,ay bayaang tularan ng isang taong masipag,computer tiyagain at bangbus ay ikalat.
Pagpasalamatan nyo na wala na ako,walang mang-iinis at walang manggagago,walang maglalaro at walang manggugulo,tandaan nyo kapatid ko mahal ko kayo..at higit sa lhat...tangina nyo..:)

1 comment: